Thursday, February 10, 2011

Ordinary Fairy Tale


Paano kung si Prince Charming hindi na charming? O kaya, hindi siya talaga prinsipe? Paano kung ordinaryong tao lang pala siya?

Pero mahal na mahal niya yung Prinsesa na:
a) Sinumpa ng Witch;
b) Kinulong sa tore na binabantayan ng isang mabangis na Dragon; or
c) Kinidnap ng isang Evil Wizard at balak nitong pakasalan at gawing ina ng kaniyang evil offspirings.

Kung ordinaryo lang ang ating bida:
a) Magiging magical pa din kaya ang halik niya at magigising si Sleeping Beauty?
b) Magkakaroon kaya siya ng lakas ng loob tahakin ang tore na kinalalagyan ng isang Damsel in Distress at supilin ang mabangis na Dragon?
c) Mapipigilan kaya niya ang maitim na balak ng Evil Wizard, just in time para kantahin ang duet theme song nila nung Prinsesa habang nakasakay sa isang magical flying carpet?
d) O magpapakaordinaryo na lang siya, magiging parte na lang siya ng istorya bilang farmer #3 or soldier #12?

Will he break free from being ordinary? Will he be able to look beyond himself and focus on the object of his love? Will he become the prince that he was meant to be?

"Love can make an ordinary man do extraordinary things"